Cayetano, siniguro kay Senator Lacson na walang parked funds sa 2020 budget

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Senator Panfilo Lacson na walang natatagong P20 billion na parked funds sa 2020 budget.

Kasunod ito ng pahayag ni lacson na walang pork barrel ang pambansang pondo sa susunod na taon pero may nakatagong parked funds dito.

Ayon kay Cayetano, tulad ng mga naunang pahayag ng liderato ng kamara ay naninindigan sila na walang anumang uri ng pork o parked funds ang 2020 budget.


Mismong siya na speaker ay sisiguraduhin na walang bahid ng korapsyon o gagamitin sa katiwalian ang pambansang budget.

Dadaan pa naman aniya ito sa masusing proseso ng pag-himay sa Bicam kaya mapapatunayan niya na iisa lamang din ang hangarin ng kamara at senado agdating sa pagiging reliable na matugunan ang pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments