Tiniyak ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na ipaprayoridad nito ang libreng edukasyon sa bansa, oras na makabalik sa Senado.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cayetano na isusulong niyang maging libre ang edukasyon para sa lahat.
Gaya sa Taguig City, nais aniya niyang magkaroon ng scholarship, allowance at libreng mga kagamitan ang mga mag-aaral sa bansa.
Naniniwala rin si Cayetano na dapat magkaroon ng prioritization at alisin ng mga Local Government Unit (LGU) ang korapsyon para maipatupad ang libreng edukasyon.
Bukod dito, dapat din maging bukas ang mga LGU sa mungkahi ng kaniyang mga nasasakupan.
Facebook Comments