CBCP at Tindig Pilipinas, magtutungo bukas sa EDSA para sa Lord Heal Our land Sunday activity

Manila, Philippines – Muling magtutungo bukas sa EDSA ang mga taong simbahan at ang ibat-ibang grupong sektoral.

Sa pagkakataong ito, pangungunahan ito ng Catholic Bishops of the Philippines at lalahukan ng grupong Tindig Pilipinas.

Tinawag ang aktibidad bukas na Lord Heal Our land Sunday na bahagi ng nagkakaisang panawagan para sa paghihilom ng bansa.


Si Archbishop Socrates Villegas ang mangunguna sa banal na misa na isasagawa sa EDSA Shrine bandang alas tres ng hapon.

Susundan ito ng prusisyon patungong People Power Monument na katatampukan ng pagdadala doon ng imahen ng Our Lady of Fatima na unang dinala sa People Power Monument noong sumiklab ang 1986 People Power Revolution.

Ang Lord Heal our Land ay magsisilbing una sa tatlumput tatlong mga aktibidad ng Simbahan para sa paghilom ng bansa.

Una nang natapos ang apatnapung araw na pagluluksa para sa mga biktima ng extrajudicial killings na kinatampukan ng pagpapatunog ng kampana at pag aalay ng panalangin sa lahat ng mga Simbahan

Hinikayat ng CBCP ang publiko na makibahagi sa prusisyon at sa gagawing candle lighting ceremony.

Facebook Comments