CBCP, bukas na gamitin ang mga simbahan bilang vaccination sites; DOH, ikinalugod ito

Payag ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mabakunahan ng COVID-19 vaccine para maitaas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, handa nilang ipakita sa publiko ang pagbabakuna ng kahit anong brand ng COVID-19 vaccine.

Maliban dito, sinabi ni Archbishop Valles na payag din sila na gamitin ang mga pasilidad ng mga Simbahang Katolika bilang COVID-19 vaccination sites.


Welcome naman sa Department of Health (DOH) sa alok na magamit ang mga simbahan bilang mga COVID-19 vaccination center.

Giit ni Health Sec. Francisco Duque III, makadadagdag ito sa tiwala ng publiko sa bakuna kontra COVID-19.

Paalala pa ng DOH, kahit anong brand ng bakuna kontra COVID-19 na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ay dapat pagkatiwaan ng publiko.

Facebook Comments