CBCP, handang kanlungin ang mga chief of police na magtestigo laban sa kapwa nila opisyal na sangkot sa EJK

Manila, Philippines – Handa si Outgoing CBCP President Socrates Villegas na kanlungin ang ilang mga opisyal ng pulis na magbubulgar sa kanilang kasamahang Chief of Police na may partisipasyon sa mga nangyayaring extrajudicial killings at summary executions sa bansa.

Ayon kay Archibishop Socrates bubusisiin ng husto ng CBCP ang sinseridad at motibo ng ihahayag ng mga COP kung mayroong sinseridad at kridibilidad ang hepe ng pulisya sa kanilang mga nalalaman sa mga nangyayang patayan sa bansa.

Paliwanag ni Socrates handa umanong kalingain ng Simbahang Katolika ang mga opisyal na tumestigo, maging ang kanilang mga pamilya kung kinakailangan hilingin ang kanilang suporta.


Giit ni Socrates trabaho ng Simbahan na pangangalagaan ang kanilang mga miyembro dahil parang ginagawa na rin nila kay panginoong Hesukristo ang gagawin nilang suporta sa pinakamaliit nilang kapatid kung saan tinutuloy dito ang mga pulis na nais ilantad ang kanilang mga partisipasyon sa EJK.

Dagdag pa ni Socrates kung hihilingin umano ng mga opisyal na sumailalim sa kanilang pangangalaga ay handa nila itong ibigay upang mabigyan ng proteksyon at seguridad ang mga nagnanais ilantad ang kanilang nalalaman sa mga nangyayaring EJK.

Facebook Comments