Hinihimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na makiisa sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Ito’y kung nais ng bawat isa na magkaroon ng pagbabago sa pamamahala.
Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman Bishop Broderick Pabillo, pagkakaton na ito para makapili ng wastong lid1er na mangangasiwa sa barangay.
Aniya, mararamdaman ang pagkilos ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sapagkat ito ang unang tumutugon sa pangangailangan ng publiko lalo na tuwing may kalamidad.
Maiging kilalanin ang kakandidato at alamin ang kanilang hangarin sa bayan.
Umaasa rin si Bishop Pabillo na mananatiling non-partisan ang halalang pambarangay at kabataan upang iiral ang tunay na mithiing maglingkod sa interes ng bawat nasasakupan at matiyak ang pananatiling malaya ng bawat barangay mula sa mga matataas na politiko sa bansa