Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na bumalik na sa pagdalo ng physical Sunday mass sa mga simbahan matapos ang higit dalawang taong pagsasagawa nito online.
Sinabi ni CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, humina na ang pandemya at lumuwag na ang mga health protocol na ipinatutupad sa bansa dahilan para makagalaw na nang malaya ang publiko at makabalik sa normal na pamumuhay.
Bunsod ng mga nabanggit na dahilan, inoobliga nito na bumalik na rin sa normal na pamumuhay bilang isang Kristiyano kung saan kabilang dito ang pagdalo sa misa tuwing Linggo.
Siniguro naman ni David na ipatutupad ang mga health protocol sa simbahan upang masigurong ligtas ang mga dadalong parokyano laban sa virus.
Mababatid na nitong March 2020, naglabas ng circular ang CBCP nagsulong na gumamit ng livestreaming bilang pamamaraan ng pagdalo ng misa bunsod ng mahigit na protocol na ipinatupad dahil sa COVID-19.