CBCP, ipapairal ang “No Acceptance Policy” sa mga ayuda ng gobyerno

Nanawagan si Fr. Robert Reyes sa mga pari at obispo sa bansa na iwasan ang pagtanggap ng mga ayuda mula sa mga nakapuwesto sa gobyerno.

Ayon kay Fr. Reyes, nakatakdang ipairal ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa Enero ng susunod na taon ang “No Acceptance Policy.”

Ito ay para maiwasan ang pagtanggap ng kaparian sa mga ayuda, hindi lamang sa mga nakaupo sa gobyerno kundi sa private sector.


Giit ni Reyes, nakahanda ang mga kaparian upang ipagtanggol ang kapakanan ng mga naaapi laluna ng mga nasa maliliit na sektor ng lipunan.

Inilunsad kanina ng mga kaparian ang Clergy for Good Governance sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao Quezon City.

Nasa 12 obispo at 211 na pari nationwide ang pumirma sa statement para sa isang tahimik, humane Philippine Society, pagbabago, katotohanan at hustisya.

Facebook Comments