CBCP, itinaggi ang lumabas na balitang nanawagan silang huwag munang iprokalama ang nanalong senador

Itinanggi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang lumabas na balitang nanawagan sila sa Commission on Election o Comelec na huwag munang iproklama ang mga nanalong senador sa 2019 midterm elections.

 

Sa statement na inilabas ng CBCP, mariin nilang itinaggi ang nasabing balita at wala daw silang inilalabas na anumang panawagan.

 

Matatandaan na unang kumalat ang balita na nanawagan ang CBCP national secretariat for social action na huwag na muna daw mag-proklama ng mga nanalo sa national candidate dahil sa umanoy manipulasyon sa resulta ng eleksyon.


 

Pero sa pahayag ni Archbishop Romula Valles na tumatayong presidente ng CBCP, hindi daw ito toto kung saan tinawag pa niya ito na isang paraan ng pagpapakalat ng fake news.

Facebook Comments