CBCP, kinumpirma na 5 obispo na ang nagpositibo sa COVID-19

100

Kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na umaabot na sa limang obispo ng simbahan ang nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang dito sina Bishop Manuel Sobreviñas – Bishop Emeritus ng Imus at ang nasawing si Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Gayundin sina Bishop Broderick Pabillo at Bishop Deogracias Iñiguez na kapwa magaling na sa naturang sakit.

Kasabay nito, umapela na rin ng panalangin ang CBCP para sa mas mabilis na paggaling ng mga obispo at maging ni Luis Antonio Cardinal Tagle para magampanan na ng mga ito ang kanilang mga obligasyon sa simbahan.

Facebook Comments