Manila, Philippines – Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na makiisa ngayong araw kontra extrajudicial killings.
Isasagawa ang ‘Lord Heal Our Land’ mass sa EDSA Shrine, alas-3:00 ng hapon na susundan ng candle lighting activity at prusisyon ng imahe ng our Lady of Fatima.
Ayon sa CBCP, dadalo ang ilang kaanak ng may 100 biktima umano ng extrajudicial killings at mga kinatawan ng human rights group.
Simula ngayong araw ay isasagawa ang 33 araw na pagdarasal para sa tuluyang paghilom ng bansa sa gitna ng patayan.
Facebook Comments