Manila, Philippines – Nababahala na rin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkalat ng fake news.
Kaugnay nito, naglabas ang CBCP ng pastoral letter na nagpapaalala sa publiko na huwag pasikatin, tangkilin at ipagkalat ang mga pekeng balita.
Ayon pa kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz – dapat na kontrahin ang anumang kasinungalingan at tigilan ang pagpapakalat nito sa social media maging sa iba pang paraan.
Una nang inilabas ng CBCP ang listahan ng 29 na websites na umano’y naglalaman ng fake news o mga impormasyong hindi naman verified.
Hindi kasama rito ang anila’y mga social media page ng mga troll.
Umalma naman rito ang website na pinoy trending at kinuwestiyon ang pagsama sa kanila sa listahan ng CBCP.
Facebook Comments