Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na binigyan din niya ng kopya ng narco list ang Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay para makatulong ang simbahan sa paglaban sa operasyon ng iligal na droga at mapigilan pa ang laganap nito.
Kung gusto kasi aniya ng simbahan na tumulong sa pamahalaan para matuldukan na ang iligal na droga sa bansa ay dapat kinakausap ng simbahan ang mga nasa listahan sa kanilang mga nasasakupan para hikayatin na itigil na ang iligal na gawain.
Paliwanag ng Pangulo, maaari namang ipagtanong ng mga pari sa komunidad ang pagkatao ng mga Drug Suspects na nasa listahan at kausapin ang mga ito para himuking magbago.
Binigyang diin ng Pangulo na magiging malaking tulong ito sa gobyerno kung gagawin ito ng simbahan dahil hindi niya kakayanin kung siya lang ang kumikilos sa paglaban sa iligal na droga sa bansa.
CBCP, nabigyan narin ng kopya ng narco list
Facebook Comments