Naglabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng guidelines para sa mga obispo, diocesan administrator at mga alagad ng simbahan para sa tamang pagsasagawa ng Ash Wednesday, at iba pang banal na aktibidad sa simbahan
Sa harap ito ng banta ng Coronavirus disease.
Sa pinalabas na CBCP Circular no. 20-06, ipinag-uutos ang pagdaraos ng Ash Wednesday, sa halip na ipahid sa noo, maaari na lamang ibudbod ang may basbas na abo sa ulo ng isang mananampalataya.
Alinsunod pa din ito sa tradiyunal na pamamaraan ng pagbabautismo kung saan sumisimbolo ito ng pagsisisi sa kasalanan.
Sa Biyernes Santo naman, sa pagdiriwang ng passion of the Lord kung saan idinadaos na ang paggalang sa imahe ng krus ni Hesus Kristo,pinapayuhan ang publiko na huwag nang humalik o humawam sa krus, at sa halip ay yumuko na lamang at ipakita ang pagrespeto.
Ayon pa sa CBCP, habang nalalapit ang pagsisimula ng Lenten season, bagamat pinapalalahanan ang mga Katoliko Romano ng pagbabalik-loob at pagpapalakas ng pananampalataya, kaakibat ang pag-aayuno at pagbibigay sa kapwa, pinapa-alala na rin ng simbahang katolika ang tamang pag-iingat sa sarili laban sa Coronavirus disease.