CBCP, naglabas ng official statement matapos magpositibo sa COVID-19 si Luis Antonio Cardinal Tagle

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpositibo sa COVID-19 si Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa liham ni Caloocan Bishop at CBCP Acting President Pablo Virgilio David na malaki ang posibilidad na dito na sa Pilipinas nakuha ni Cardinal Tagle ang virus at hindi sa pinagmulan niyang bansa na Roma.

Ayon kay Bishop David, maaring sa airport o sa eroplanong sinakyan nito nanggaling ang virus.


Maaari aniyang hindi naiwasan ni Cardinal Tagle ang mga bumabating tao pagdating nito sa bansa lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakakilala sa kaniya sa eroplano at sa airport.

Ayon sa CBCP, nasa bansa si Cardinal Tagle para sa kanyang late summer break at para bisitahin ang kaniyang mga magulang sa Imus, Cavite.

Gayunman dahil sa pangyayari, hindi rin muna nito maitutuloy ang kanyang pagbisita sa mga magulang dahil kailangan nitong ma-isolate sa loob ng 14 na araw.

Nilinaw naman ng CBCP na asymptomatic si Tagle.

Facebook Comments