CBCP, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagkamatay ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal

Manila, Philippines – Nagdadalamhati ngayon ang buong miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal na kanilang naalala bilang tunay na tagapaglingkod at lider ng Simbahang Katolika.

Ayon kay CBCP President Socrates Villegas, hindi namamatay si Cardinal Vidal dahil laging nakibahagi siya sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng panginoong Hesukristo sa araw-araw niyang gawain bilang isang alagad ng Diyos.

Paliwanag ni Villegas, nasa kalinga na ngayon si Cardinal Vidal ng dakilang maykapal dahil sa kanyang katapatang paglilingkod sa mga milyon-milyong Katoliko habang siya ay nabubuhay pa sa mundo.


Si Cardinal Vidal ay 86 anyos at ipinanganak sa Mogpog Marinduque, dating president ng CBCP, naging Cardinal noong April 1985.
Tatlo nalang ang mga Cardinal sa bansa sina Citabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Facebook Comments