Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na panatilihin ang mga health protocol ng COVID-19 sa loob ng simbahan ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon kay CBCP President and Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kahit bumababa na ang kaso, huwag pa rin kalimutan na mag-ingat lalo’t nandyan pa rin ang banta ng COVID.
Aniya, dapat ipagpatuloy ng lahat ang pagsunod sa mga health protocols upang tuluyan na nating talunin ang pandemyang ito.
Dapat pa rin aniyang ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask at obserbahan ang physical distancing bilang paraan ng pangangalaga sa isa’t isa.
Facebook Comments