CBCP, nagsorry sa pagpapalabas nito ng listahan ng mga websites na umano’y nagpapakalat ng ‘fake news’

Manila, Philippines – Nag-sorry ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa paglalabas nito ng listahan ng mga websites na umano’y nagpapakalat ng ‘fake news’.

Paliwanag ng CBCP, gusto lang nilang paalalahanan ang publiko na iwasang tumangkilik at magpakalat ng mga peke o unveried information sa internet.

Matatandaang binanatan agad ang CBCP ng ilang websites na napabilang sa naturang listahan.


Sa pahayag na inilabas ng Pinoy Trending, halata umano na karamihan sa websites na nasa listahan ng CBCP ay naglalaman ng mga magagandang balita tungkol sa administrasyong Duterte.

Kabilang rin sa mga nasa listahan ang public trending, Filipinews Ph, Trending News Portal, Classified Trends, Definitely Filipino at Duterte News Info.

Facebook Comments