CBCP, nagtatag ng bagong komisyon para sa stewardship service ng mga mananampalataya

Kasunod ng pagkakaalis ng “arancel system” nagtatatag ng Episcopal Office on Stewardship ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang arancel system ay kaukulang bayad sa mga sakramento bilang tulong sa patuloy na pagpapatakbo at gastusin ng simbahan.

Ayon kay CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, ang pagbuo sa stewardship office ay naglalayong matulungan ang mga diocese sa pagpapatupad ng mga programa kasabay ng pagbuwag ng arancel system ng simbahan.


Sinabi naman ni Taytay Palawan Bishop – designate Broderick Pabillo na nahalal bilang chairman ng bagong tatag na komisyon ng CBCP, magpupulong ang mga opisyal upang talakayin ang mga guideline at mga programa na tututok sa pagpapalawak ng ‘stewardship’ sa mga diocese at mga simbahan sa buong bansa.

Bukod sa Archdiocese of Manila na nagtanggal ng arancel system, inalis na rin ito ng Diocese ng Balanga at maging sa ilang diyosesis sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments