CBCP, nakikipag-ugnayan na sa mga Muslim leaders para sa kaligtasan ng paring dinukot ng Maute group sa Marawi City

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa ilang mga Muslim leaders para matiyak na ligtas na makalalaya si Father Teresito Suganob na dinukot ng mga miyembro ng Maute Group sa Marawi City.

Si Suganob kasama ang ilan pang mga sibilyan ay ginawang human shield ng mga terorista sa kanilang ginawang pagtakas habang patuloy ang pagtugis ng mga militar sa grupong sumugod sa nasabing lungsod.

Pansamantala munang hindi sinabi ng CBCP kung sino sa mga lider ng simbahang katolika ang nakikipag-usap sa mga lider ng Muslim Community sa Marawi City.


Nauna dito ay umapela sa pamahalaan ang mga kaanak ni Suganob na tiyaking ligtas na mailalabas sa Marawi City ang naturang pari.

Kasama si Father Suganob at ang ilan pang mga biktima na sapilitang tinangay ng Maute Group matapos na mapasok ang Cathedral of Saint Mary sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi City.

DZXL558

Facebook Comments