Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na gamitin ang social media para mag-ebanghelyo at tumulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos ngayong Semana Santa.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Social Communication Chairman Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., ang social media ay maaaring gamitin upang palakasin ang pananampalatayang Katoliko at ipalaganap ang salita ng Diyos.
Aniya, mayroong iba’t ibang digital platform na maaaring gamitin upang tumulong sa ebanghelisasyon.
Inihalimbawa rito ni Bishop Maralit ang Lenten program ng simbahan na Fast2Feed na mas aktibo ngayon dahil sa social media kung saan maaaring mag-donate ng P10 kada araw o katumbas ng P1,200 sa loob ng anim na buwan ang publiko upang mapakain ang pinakamahihirap na indibidwal.
Nagsimula ang selebrasyon ng Semana Santa ngayong araw, Lunes Santo kung saan hanggang Miyerkules Santo ay nakatuon ang mga panalangin at pagninilay ay nakatuon kay Hesus bilang “Bridegroom” ng simbahan.