CBCP, nanawagan ng panalangin sa publiko kaugnay sa tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Palestine

Nanawagan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na samahan sila sa pag-aalay ng panalangin upang humupa na ang giyera sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ayon kay Bishop Rupert Santos, Vice Chairman ng Bishop Episcopal Mission ng CBCP, ipagdasal sana ng mga Pilipino na haplusin ang isip at puso ng mga taga Israel at mga Palestinian militants at tapusin na ang giyera doon.

Nais din ng CBCP na maghari ang kapayapaan sa dalawang bansa.


Nanawagan din ang CBCP sa mga Pilipino na naipit ngayon sa giyera na doblehin ang pag-iingat at agad makipag-ugnayan sa mga konsulado at Embahada para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments