CBCP, nanawagan ng sabay-sabay na pagdarasal tuwing alas-12:00 ng tanghali

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na makiisa sa massive at nationwide campaign para sa sabayang pagdarasal.

Umapela ang CBCP na magsasawa ng “Noontime Prayer” kung saan dadasalin ang Hail Mary ng sampung beses araw-araw simula ngayong araw hanggang September 15, tuwing alas-12:00 ng tanghali.

Pwedeng gawin ang pagdarasal anuman ang ginagawa at nasaan man tuwing sasapit ang alas-12:00 ng tanghali.


Paliwanag ng CBCP, ang panalangin na ito ay para matigil na ang kinakaharap ng bansa at ng buong mundo na pandemya.

Facebook Comments