CBCP, nanawagan para sa isang pambansang panalangin para sa pananaig ng kapayapaan sa Mindanao

Manila, Philippines -Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa isang pambansang panalangin para sa pananaig ng kapayapaan sa Mindanao.

Ginawa ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang panawagan kasunod ng pagdedeklara ni President Rodrigo Duterte ng Martial law sa Mindanao bilang tugon sa paghahasik ng karahasan ng grupong Maute.

Ayon kay Villegas, ito ang panahon i ng pinagsamang pagdarasal ng mga muslim at katoliko para sa kaligtasan ng mga naiipit sa lugar na may banta ng grupong Maute.


Isa ring panalangin ang inialay ni Villegas upang bigyan ang mga opisyal ng gobyerno ng katatagan para maingat na hawakan ang sitwasyon sa Mindanao.

Naniniwala si Villegas na hindi magtatatagumpay ang mga mga naghahasik ng karahasan dahil mananaig ang tunay na Diyos ng hustisya.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments