CBCP, nanawagan sa Comelec na suspendihin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa nat’l elections

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action (CBCP-NASSA) na suspendihin muna ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa eleksyon sa national level.

Ito ay kasunod ng nangyaring aberya sa pagpapadala ng election results sa Comelec Transparency Server.

Ayon kay NASSA Executive Secretary, Fr. Edwin Gariguez – dapat magkaroon ng impartial investigation para matiyak na walang nangyaring dayaan o manipulasyon sa election results.


Dagdag pa ni Gariguez – bumuo ng independent body na siyang magsasagawa ng imbestigasyon kung saan ang Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic ang magiging subject nito.

Maaari aniyang gawin ito ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng National Movement for Free Elections (NAMFREL).

Facebook Comments