CBCP, nangangamba sa red-tagging

Nababahala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga insidente ng red-tagging sa bansa.

Ayon kay CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo David, nakakapag-alala ang ginagaaang pagdawit ng pamahalaan sa mga aktibisita at mga unibersidad sa komunismo.

Sumasariwa aniya lamang ang mga alaalang nangyari sa authoritarian rule ilang dekada na ang nakararaan.


Sa isang demokratikong bansa, magandang kwestyunin ang mga polisiya na tulad nito.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit naglabas sila ng pahayag hinggil sa Anti-Terror Law, kung saan mayroong takot sa mga gagawing hakbang para matugunan ang terorismo na maaaring makompromiso ang karapatang pantao.

Ang pahayag ng obispo ay kasunod ng pagbanggit ng militar sa ilang katolikong unibersidad na may nangyayaring recruitment ng New Peoples Army (NPA).

Facebook Comments