CBCP, naniniwala na dapat nang tuldukan ang political dynasties sa bansa

Pabor ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nararapat nang wakasan ang political dynasties bilang mahalagang hakbang para mapigil ang lumalalang korapsyon sa bansa.

Ayon sa CBCP Episcopal Commission on Social Action–Justice and Peace, mananatili ang katiwalian hangga’t nananatili ang malalaking pamilyang dekadang namamayani sa pulitika.

Iginiit ng CBCP ang agarang pagpasa ng Anti-Dynasty Law upang maputol ang paglawak ng impluwensiya ng mga kaanak ng pulitiko.

Hinimok naman ng Caritas Philippines ang publiko na huwag nang magtolerate ng political dynasties at suportahan ang mga bagong lider na may sapat na kakayahan at integridad.

Batay sa datos ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), labingwalo na political dynasties ang nanalo sa halalan ngayong 2025.

Batay pa sa impormasyon na nakuha ng simbahan, marami sa mga rehiyon na kontrolado ng malalaking angkan ay patuloy na nananatiling mahirap at hindi naaabot ng sapat na serbisyong panlipunan ang pinakaapektadong komunidad.

Facebook Comments