CBCP: National Consecration at panalangin sa gitna ng WPS tension at Divorce Bill, idaraos sa mga simbahan sa June 8

Magsasagawa ng National Consecration ang Simbahang Katolika sa June 8 para patuloy na ipanalangin ang iba’t ibang isyu sa bansa.

Ito ay matapos na aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang petisyon ng iba’t ibang grupo.

Kabilang sa mga sinasabing isyu ngayon ang tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS), pagboto ng Kongreso sa diborsyo at mga kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Bukod diyan, magdaraos din ng isang minutong panalangin para sa kapayapaan ala-una ng hapon sa kaparehong araw.

Itataon ito sa kapistahan ng Immaculate Heart of Mary o Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Facebook Comments