Suportado ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapasara ng ilang sementeryo ngayong Undas bunsod pa rin ng banta ng COVID-19.
Ayon kay CBCP Spokesperson Fr. Jerome Secillano, walang dahilan para kontrahin ng simbahang katolika ang hakbang na ito.
Sinabi ni Fr. Secillano na hindi kailangang pumunta sa mga sementeryo sa Araw ng mga Patay, November 1 at sa Araw ng mga Kaluluwa, November 2.
Mahalaga aniya na ipagdasal ng mga naulila ang kanilang mga yumao.
Maaari nilang ipagdasal ang mga namatay kahit sila ay nasa loob ng bahay o mag-alay ng intension sa misa.
Facebook Comments