CBCP, tinawag na ‘act of terrorism’ ang 2 pagsabog sa Jolo, Sulu

Kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapasabog sa Jolo Cathedral sa Sulu.

Ang kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles – maituturing itong ‘act of terrorism’ na ginawa ilang araw pagkatapos ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nagpaabot ng pakikiramay ang CBCP sa pamilya ng mga nasawi sa pagsabog.


Nakikisimpatya din ang CBCP sa mga nasaktan at nanawagan ng katatagan sa church community sa apostolic vicariate.

Umapela ang CBCP leader sa mga Kristiyano na makiisa sa peace-loving Muslims at sa indigenous communities sa adbokasiyang labanan ang violent extremism.

Facebook Comments