CBCP tinawag na impokrito ang mga kandidatong mag papalagay ng krus na abo sa noo para sa photo opportunities

Manila, Philippines – Nanawagan ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kandidato ngayong nalalapit na eleksyon na huwag gamitin ang Ash Wednesday para sa kampanya.

Ayon kay CBCP- National Secretariat for Social Action Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez maliwanag na temptasyon sa mga politiko ang nasabing oportunidad dahil makikita silang pumapasok sa simbahan na nagpapakita na sila ay mga maka-diyos.

Dagdag pa ni Gariguez may mga kandidato noong nakaraang mga halalan na ginagamit ang mga religious occasions para “photo opportunities”.


Paliwanag sa Pari huwag nang mag palagay ng abo sa kanilang mga noo ang mga politiko na gusto lang mag pa-photo opportunities dahil lumalabas na sila ay mga impokrito.

Giit nito na ang krus na abo sa noo ay isang paalala na ang bawat isa ay humihingi ng kapatawaran at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

Pinapaalala din aniya nito na lahat ng bagay sa mundo ay pansamantala lamang at tayo ay mananagot sa panginoon sa lahat ng ating ginagawa kung saan sa alabok tayo nag mula at sa alabok muling babalik kahit gaano kayaman o makapangyarihan ka pa.

Malacanang hindi nanghihimasok sa anomang issue sa congreso na nagiging dahilan ng pagkaantala ng 2019 national budget.

Tiniyak ng palasyo ng malacanang na hindi pakikialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga issue sa pagitan ng mga mambabatas.

Ito ay may kaugnayan sa hindi parin nakakaakyat sa office of the president ang pangukalang 2019 national budget.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit kailan ay hindi nanghimasok ang ehekutibo sa anomang pagkakaiba ng opinion ng mga mambabatas at hahayaan lang ito ng pangulo na maplantsa ng mga kongresista.
Paliwanag ni Panelo, wala sa ugali ni Pangulong Duterte ang sumawsaw sa anomang trabaho ng lehislatura gayundin ang hudikatura.
Matatandaan na sinabi ni outgoing Budget Secretary Benjamin Diokno na target na malagdan ni Pangulong Duterte ang panukalang budget sa kalagitnaan ng marso.

Facebook Comments