Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na papayagan na rin ng pamahalaan na maitaas sa 50% capacity sa mga simbahan.
Nabatid na simula bukas, November 1 hanggang 14 ay mananatili sa Alert Level 3 ang Metro Manila at pitong iba pang rehiyon sa bansa kung saan pinapayagan ang religious gatherings sa maximum 30% venue capacity.
Pero apela ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, itaas n asana sa 50% ang kapasidad ng mga simbahan at gawing 100% kapag ibinaba na ang rehiyon sa Alert Level 2.
Gayunman, ipinauubaya na nila sa mga eksperto ang pagdedesisyon.
Ayon pa kay Fr. Secillano, kung talagang hindi pwede ay handa namang sumunod ang Simbahan.
Facebook Comments