Kumpiyansa ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magiging makatotohanan ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano, karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan.
Hindi aniya ito ang tamang panahon para sisihin o punahin ang sinumzan.
Umaasa sila na matatalakay sa SONA ang ilang isyu tulad ng unemployment at COVID-19 pandemic.
Nais din nilang matalakay ng Pangulo ang Anti-Terrorism Law, ang mga hakbang para muling maibangon ang ekonomiya at ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.
Nanawagan ang CBCP sa lahat ng mananampalataya na ipagdasal ang lahat ng government officials maging si Pangulong Duterte.