Manila, Philippines – Nilinaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na walang kandidatong i-endorso ang simbahang Katolika sa 2019 midterm election.
Ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, ipagpapatuloy ng simbahang Katolika ang tradisyunal nitong trabaho kabilang na ang political education.
Aniya, maaaring magkaroon ng kani-kanilang kandidato ang mga layko pero hindi ang simbahang Katolika.
Gayunman, dapat aniyang maging matalino ang mga mananampalataya sa pagpili ng mga kandidatong iboboto.
Facebook Comments