Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat na ipinalangin ang mabilis na paggaling ni Pope Francis na sumailalim sa surgery.
Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, hinihikayat niya ang lahat na ipagdasal ang ikagagaling ng Santo Papa.
Dapat ding gunitain ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong 2015, patunay na ramdam ang kanyang pagmamahal sa mga Pilipino.
Sa panahong ito, ipakita natin ang pagmamahal para sa kanya.
“In this particular time, let us show our love and affection for him. Let us pray together – clergy, religious and consecrated persons, our covenanted communities, our lay faithful, – for the complete recovery of Pope Francis,” ani Archbishop Valles.
Ang Santo Papa ay na-admit sa Gemelli Hospital sa Roma at sumailalim sa naka-schedule na operasyon sa colon.