CCC: Impormasyon patungkol sa masamang epekto ng climate change at global warming, mapapanood sa mga sinehan

Nakipagkasundo ang Climate Change Commission (CCC) sa Movie Television Review and Classification Board o MTRCB.

Batay sa pinirmahang memorandum of agreement, ipakikita sa mga moviegoer o mga manonood ang isang video clip na nagpapaliwanag sa masamang epekto ng climate change.

Makikita ito sa unang bahagi bago ang palabas na entry sa Manila Film Festival.


Sinimulan na aniya ito nitong June 15 sa premier showing ng Manila Film Fest Entries.

Sa ganitong paraan, sinabi ni CCC Commissioner Albert dela Cruz Sr., na mabibigyan ng sapat na edukasyon ang publiko kaugnay sa masamang epekto ng climate change at global warming.

Ayon kay Dela Cruz, tungkulin nilang ipagbigay alam sa publiko ang sapat na impormasyon hinggil sa climate chage at kung papano ito nagiging dahilan ng extreme weather condition na siyang nararanasan na ngayon dahil sa patuloy na pag abuso sa ating kapaligiran.

Maliban dito, may iba pang mga inisyatibo at proyektong isasagawa ang CCC sa pakikipagtulungan ng MTRCB para matiyak na ang mamamayan ay mabibigyan ng sapat na kaalaman at edukasyon sa nangyayari sa kapaligiran para maging sa resilient ang bansa sa kabila ng mga masamang epekto ng global phenomenon.

Facebook Comments