Nagsagawa ng tree planting activity ang Climate Change Commission (CCC) sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City (QC).
Ayon sa CCC, bahagi ito ng kanilang paggunita sa ika-15 Annual Global Warming and Climate Change Consciousness Week na nagsimula ngayong araw.
Aabot sa 200 puno ng Narra, Dau at Sablot na isang rainforest tree ang itatanim sa bahagi ng La Mesa Watershed Protected Area.
Pinangunahan ito nina CCC Commissioners Vice Chair and Executive Director Robert Borje at Commissioner Rachel Herrera.
Kasama rin sa lumahok sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, private sector at civil society group.
Batay sa CCC, ang aktibidad na ito ay tugon nila sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mabawasan ang epekto ng climate change.