CCDC, Inimbitahan ang Buong Rehiyon Dos para sa Chess Tournament!

Cauayan City, Isabela – Tumataginting na walong libong piso ang premyo ng mananalo sa gaganaping Chess Tournament sa darating na April 14-15, 2018.

Ayon kay Cagayan Chess Development Club (CCDC) President Elinar Agustin, imbitado ang lahat sa buong rehiyon dos upang sumali sa naturang patimpalak na gaganapin sa Cagayan National High School, Tuguegarao City, malapit sa pinagdausan ng CavRAA 2018.

Ang nasabing torneo umano ay isang Non-Rating Master ChessTournament para sa edad trese pataas at ito at isang swiss system o magkakaroon lamang ng bente singko minutos ang kada isang manlalaro kung saan ang torneo ay isang division lamang.


Hanggang top 10 ang mabibigyan ng gantimpalang salapi na ang 1-5 place ay mabibigyan ng Php8K, 7K, 5K, 3K at 2000.00 , samantalang ang pang anim hanggang 10 place ay isang libong piso.

Sinabi pa ni Agustin na ang torneo ay suportado ng Cagayan Economic Zone Authority kung kaya’t ito ay bilang 1st CEZA-Open Chess Tournament na sa tulong rin ni Congressman Randy Ting, 3rd Distict ng Cagayan.

Samantala makakalahok din sa darating na Palarong Pambansa sa April 19, 2018 sa Vigan Ilocos Sur ang mga magagaling na chess players ng rehiyon dos.

Facebook Comments