CCP, pansamantalang isasara simula sa susunod na taon

Pansamantalang isasara sa publiko ang Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sa organizational briefing ng Senate Committee on Culture and the Arts, sinabi ni CCP President Margarita Moran-Floirendo na dalawa hanggang tatlong taong isasara ang CCP na magsisimula sa January 1, 2023.

Ito ay dahil isasailalim sa renovation at retrofitting ang buong gusali matapos na makitaan ng mga bitak ang maraming bahagi ng Little Theater.


Mangangailangan naman ng P400 million para sa renovation pa lang ng CCP at posible pang lumaki depende sa makikita na dapat pang i-renovate.

Umaapela rin ang CCP ng dagdag na pondo dahil kakailanganin nilang magrenta ng mga opisina at teatro para sa kanilang performances.

Facebook Comments