CCS, na gagamitin para sa canvassing sa mga kandidato para sa presidente at bise presidente, nailipat na sa plenaryo

Inilipat na sa plenaryo ngayong umaga mula sa Legislative-Executive lounge ang Consolidation and Canvassing System (CCS).

Ang CCS ang gagamitin sa pagbibilang ng boto ng Kongreso na magsisilbing National Board of Canvassers o NBOC-Congress.

Sa CCS papasok ang mga electronically transmitted na certificate of canvass o COCs at ito ay pagtutugmain ng NBOC sa manually counted at physically delivered na COCs.


Ngayong alas-10:00 ng umaga ay mag-co-convene ang Kamara at Senado sa isang joint session para sa pagsisimula ng canvassing sa mga kandidato sa presidente at bise presidente sa katatapos na 2022 elections.

Kasabay ng joint session ay ilalatag din ang mga rules o mga alituntunin sa gagawing canvassing.

Sa panig ng Kamara, ang bubuo sa Canvassing team ay sina Speaker Lord Allan Velasco, Reps. Martin Romualdez, Boying Remulla, Abraham Tolentino, Rimpy Bondoc, Stella Quimbo, Kristine Singson-Meehan, at Sharon Garin.

Nagtalaga rin sila ng mga alternate members na kinabibilangan nila Reps. Juliet Ferrer, Kiko Benitez, Johnny Pimentel at Manix Dalipe.

Facebook Comments