
Ipina-subpoena na ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng CCTV footage na trending ngayon sa social media na nagpapakita nang pagwawala umano ni Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa isang bar sa Davao city.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, nais nilang mapasakamay ang CCTV footage para maging bahagi ng ebidensya.
Kasunod nito, itinanggi naman ni Marbil na may kinalaman sila sa release ng naturang viral video ng kongresista.
Tiniyak din ni Marbil na handa silang bigyan ng proteksyon ang nagreklamo laban sa mambabatas dahil sa aniya’y maimpluwensya o makapangyarihan ang kanyang inihahabla.
Sa ngayon, nakasampa na ang patong-patong na reklamo laban kay Duterte sa Department of Justice.
Facebook Comments









