CCTV, ikakabit sa paligid ng Manila Bay

Manila, Philippines – Nakatakdang maglagay ng mga closed-circuit television (CCTV) ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paligid ng Manila Bay.

Ito ay para ma-monitor kung nagkakaroon ng pagbabago sa kalidad at kalinisan sa paligid ng Manila Bay.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio, partikular nilang babantayan ang coliform content ng Manila Bay at direkta itong makikita ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pamamagitan ng mga sensor.


Facebook Comments