CDA, nakatuon rin sa food security kaugnay sa layunin ng Marcos administration na iangat ang agrikultura

Prayoridad rin ng Cooperative Development Authority o CDA ang programa para makatulong sa mga magsasaka at makasabay sa layunin ng Marcos Administration kaugnay sa food security.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni CDA Deputy Administrator Ray Elevazo na nakatuon sila food security habang binibigyan ng pagkakataon ang mga maninindang kooperatiba sa mga basic commodities.

Sinabi pa ni Elevazo na ngayong prayoridad ng presidente ang hanay ng agriculture, hindi lamang sa kooperatiba ng pagpapalayan nakatuon ang kanilang atensiyon kundi maging sa iba pang produkto gaya ng niyog at pangingisda.


Ayon Kay Elevazo, handa ang CDA na magtulungan at mabigyan ng suporta ang mga kooperatiba ng mga magniniyog at mayroon na silang pakikipag-ugnayan na sa Philippine Coconut Authority kaugnay dito.

Maliban pa rito ang pakikipag-ugnayan sa PhilMec na may kaugnayan naman sa kanilang hangaring makatulong sa organisasyon na gustong magkooperatiba patungkol sa bigas.

Facebook Comments