CDE requirement ng LTO, hindi itinatakda ng batas ayon sa isang kongresista

Kinuwestiyon ni House Deputy Speaker at Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Comprehensive Driver’s Education (CDE) exam na ginagawa bago makapagsumite ng aplikasyon ang mga drayber para sa 10-year validity ng kanilang lisensya.

Ayon kay Rodriguez, hindi itinatakda ng batas ang CDE exam.

Agad namang naghain ng resolusyon ang kongresista para imbestigahan ng kamara ang CDE requirement ng Land Transportation Office (LTO).


Bagama’t wala pa namang malinaw na pahayag dito ang LTO ay sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na alinsunod sa Republic Act 10930 ang pagpapatupad ng 10-year validity ng driver’s license.

Ito ay bilang insentibo sa mga maaayos magmaneho sa kalsada.

Facebook Comments