CDO chairman Jose ‘Pepe’ Ong, namatay na

942

Sumakabilang buhay na ang chairman at co-founder ng CDO Foodsphere, Inc. na si Jose ‘Pepe’ Ong, 78, nitong Huwebes ng hapon.

Inanunsyo ito mismo ng kilalang meat processing company sa kanilang official Facebook page.


Hindi inihayag ng kompanya kung anong dahilan ng pagpanaw ng negosyante.

Ayon sa pamunuan, mabait, mapagmahal, at ulirang ama si Ong sa pamilya niya at maging mga tauhan niya.

“Boss Pepe, as we fondly called him, was a loving father not just to his immediate family, but also to his CDO Foodsphere family,” bahagi ng mensahe ng CDO. 

“He was our coach, our rock – always inspiring us with pioneering ideas, his passion and resilience; always there to remind us that nothing is impossible,” dagdag pa ng kompanya.

Itinatag ni Ong at asawang niyang si Corazon ang kilalang meat processing company noong 1975. Pumatok sa publiko ang mga produkto nilang hotdog, corned beef, vienna sausage, at luncheon meat.

Nakaburol ang labi ni Ong sa Heritage Memorial Park Chapel, Taguig City.

Facebook Comments

From Advertisers