City of Ilagan, Isabela – Tinututukan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ng lungsod ng Ilagan ang apatnapung barangay dahil sa tinagurian itong catch basin sa tuwing may bagyo sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay ginoong Butch Estabillo, CDRRMO Officer ng City of Ilagan na nagkaroon na umano ng pagpupulong ang mga kasapi ng CDRRMO at iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Ilagan para sa puspusang paghahanda sa pagdating ng bagyong ompong.
Naikasa na umano ang mga plano sa agriculture, social sector, health, tourism at infrastructure para makapaghanda sa mga precautionary measures na nabigyan na sila ng advisory tulad ng paghahanda sa mga go bag na may lamang medical kit, foods, mga importanteng papel at mga gamit tulad ng flash lights, battery at iba pa.
May mga ordinansa umano na tumutugon sa mga usapin ng paghahanda tulad ng preemptive and post evacuation kasama ang ilang ahensya ng gobyerno.
Samantala natuto na umano ang lungsod ng Ilagan sa mga naganap na bagyo gaya ng lawin at ito na umano ang pinagbabasehan sa mga post scenario na mga gagawing paghahanda sa 91 barangay ng Ilagan.