CDRRMO, Puspusan ang Pagtuturo ng Tamang Pagresponde sa Anumang Sakuna!

Cauayan City, Isabela – Puspusan ang isinasagawang pagtuturo ng City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO sa lahat ng barangay dito sa lungsod ng Cauayan sa pagresponde sa oras ng kalamidad at mga hindi inaasahang pangyayari sa ilalim ng programang Barangay Responders On Disaters Challenge BROD Challenge.

Ayon kay Zarina Albano, ang Designated Research and Planning Officer ng CDRRMO na layunin umano ng nasabing programa na turuan ang mga opisyal ng barangay sa tamang pagresponde sa mga hindi inaasahang sakuna at ito ay bilang pakikiisa na rin  sa National Disaster Resilience Month.

Aniya ang mga mabubuong grupo sa BROD Challenge sa bawat barangay ay magiging katuwang ng kanilang tanggapan sa agarang pagresponnde sa mga taong nangangailangan ng tulong.


Lahat naman umano ng mga barangay dito sa lungsod ng Cauayan ay aktibong nakikiisa sa mga aktibidad kung saan ay  lalo umanng  umaangat ang kaalaman  ng mga miyembro ng BROD Challenge.

Samantala magkakaroon din umano ng pagtatasa pagkatapos ng buwang kasalukuyan upang matiyakkung   nakikiisa sa mga aktibidad ang bawat barangay dito sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments