Manila, Philippines – Binawi ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang apat na cease and desist orders na ipinataw sa mga restaurant at gusali na nakitaan ng paglabag malapit sa Manila Bay.
Ayon kay Engineer Emiterio Hernandez, department manager ng LLDA, pansamantalang binawi ang cease and desist sa Gloria Maris Restaurant, Jollibee-Macapagal Biopolis, Aristocrat Restaurant at Smart Land Resources building matapos silang makapagsumite ng solusyon sa kanilang mga paglabag.
Mababatid na nasa 16 ang nabigyan ng cease and desist ng LLDA dahil sa pagtatapon ng untreated wastewater sa Manila Bay.
Sa kabila nito, sabi ni Hernandez, maaari nila muling bigyan ng cease and desist order ang mga ito kapag nakitaan muli ng mga paglabag.
Pero giit ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, hindi sila inabisuhan ng LLDA sa pagbawi ng cease and desist orders.