Welcome development sa Philippine National Police (PNP) ang inilabas na “cease and desist order” ng PAGCOR laban sa Xinchuang Network Inc.
Ito ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub na sinalakay ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) sa Las Piñas noong nakaraang Linggo.
Ayon kay PNP Public Information Officer Chief PBGen. Red Maraman, dahil sa nasabing kautusan mas mapapadali ang pagsisilbi nila nang search warrant.
Paliwanag ni Maranan, dapat wala nang aktibidad ang POGO dahil pinatigil na noon pang June 27 ang kanilang operasyon.
Lumalabas naman na dahil sa kautusan ng PAGCOR, lehitimo ang raid ng PNP sa naturang POGO hub na layong masawata ang napaulat na human trafficking in person.
Facebook Comments