CEASE AND DESIST ORDER SA PAGPAPATALSIK KAY ROSALES VICE MAYOR ISAAC KHO SA POSISYON, IPINATUPAD NG COMELEC FIRST DIVISION

Hindi naisakatuparan ang desisyon ng RTC Branch 53 sa pagpapatalsik sa posisyon kay Rosales Vice Mayor-elect Isaac Kho matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Commission o First Division ng COMELEC.

Nilalaman ng TRO ang cease and desist order sa pagpapatupad ng naging pasya ng korte matapos ang electoral protest na isinampa ng nakatunggali ni Kho na si Susan Casareno noong 2025 Midterm Elections.

Di umano, nakatakda sanang patalsikin sa pwesto si Kho noong December 23 buhat ng naging desisyon ng korte.

Ang naturang Temporary Restraining Order ay epektibo sa loob ng animnapung araw.

Sakali man na maipatupad ang naging pasya, mayroon pa rin umanong umiiral na Status Quo Ante Order na nagbabalik sa sitwasyon bago ang lumabas ang naturang desisyon.

Ayon kay Kho, tuloy ang kanyang pagtatrabaho sa 2026 matapos manaig ang katotohanan.

Sa darating na January 15,2026, itinakda ng The Commision o ang First Division ang pagdinig sa naturang petisyon.

Facebook Comments